All you need to know sa PawnHero loan mo

How to get your money

All PawnHero customers will have the option to avail of free cash card (to be released in 2018). Makikita ito sa loob ng inyong Personal Loan Kit na ibibigay ng trusted PawnTrooper upon pick-up ng item mo. Dito namin ide-deposit ang inyong pera para madaling ma-withdraw sa pinakamalapit na BancNet ATM.

Maaari rin pumili ng ibang cashout method namin tulad ng direct bank deposit (to any bank) or thru Coins.ph.

How to pay your loan

1. Loan Redemption

Maaaring bayaran ang iyong loan at any time on or before the maturity date. Piliin lang ang payment option na pinakamadali para sa’yo.

  • Cash Payment Over-the-Counter
  • Online Bank Payment
  • 7-Eleven (7 Connect Service)
  • Coins.ph

2. Loan Renewal

Kung hindi pa ready bayaran ang full amount, pwedeng pwede mag request ng loan renewal. Ibig sabihin mae-extend ang iyong loan duration. Kailangan lang mabayaran ang interest amount due. Same process lang ang pagbayad ng loan renewal at loan redemption.

Appraisal value and interest rates

Posibleng makakuha ng initial appraisal value na mas mataas compared sa final appraisal value na matatanggap after ng physical inspection ng iyong item. Para makasiguradong palaging pinakamataas na appraisal value ang matatanggap, make sure na tama o accurate ang pipiliin mong description ng iyong sinasanglang item.

Ang PawnHero interest rate ay nagsisimula sa mababang 2.99% monthly. Pero maaaring magbago based sa mga factors na ito: item condition, age, at category. Posibleng makakuha ng mas mataas na interest rate kung electronics or gadgets ang isasangla mo dahil mabilis mag depreciate ang value nito.

Other fees and charges

  • Pick and and delivery of loan collateral: FREE

  • Insurance coverage in transit: FREE

  • Insurance coverage while in storage:FREE

  • Storage fee: FREE

  • Cash Card fee: FREE

  • Late payment charge: WAIVED